Humigit-kumulang 500 mga kabataan at lokal na residente ang nakinabang sa dalawang magkahiwalay na feeding program sa bayan ng Labrador, Pangasinan na pinangunahan ng mga non-governmental organizations (NGO)
Nitong nagdaang September 9, tinatayang nasa 300 na mga residente ng Barangay Bongalon, kabilang ang mga bata, ang nabigyan ng masustansyang pagkain sa “Outreach Feeding Program” na inorganisa ng Toyota Dagupan City.
Kahapon, September 10, humigit-kumulang 200 na residente ng Barangay Poblacion ang masayang nagsalo sa simpleng pagkain na ipinamahagi ng Member Church of God International (MCGI).
Ang nasabing mga aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga opisyal ng barangay at ng hanay ng Labrador PNP sa pangunguna ng kanilang hepe na si PCPT. Dario Ico.
Lubos naman ang naging pasasalamat ng mga residente para sa ginawang outreach program ng mga nabanggit na NGOs at ng hanay ng PNP Labrador. | via Ruel de Guzman | RP1 Dagupan
📷 Labrador Police Station