National Nutrition Council (NNC), inilunsad ang Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN 2023-2028

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilulunsad na ngayong umaga sa pangunguna ng National Nutrition Council o NNC ang Philippine Plan of Action for Nutrition o PPAN 2023-2028 sa Manila Hotel, Ermita Manila bilang bahagi ng pagtataguyod sa food and nutrition security sa bansa.

Ayon sa opisyal na pahayag ng NNC, nakikibahagi sa launching ang pitong lalawigan sa Luzon, kabilang ang Quezon. Pinangunahan ito ni NNC Governing Board Chair, DOH Secretary Teodoro J. Herbosa na kinatawanan ni OIC, Undersecretary of Health and Chief of Staff Dr. Gloria J. Balboa kasama si NNC Executive Director and DOH Assistant Secretary Dr. Azucena M. Dayanghirang.

Layunin ng PPAN 2023-2028 na mawakasan ang malnutrisyon sa pamamagitan ng kolektibong pagsisikap ng pamahalaan, NGOs, academe, civil society, at pribadong sector.

Ipapatupad ng PPAN ang mga stratehiyang gumagamit ng whole-of-society approach kung saan kasama ang iba’t ibang stakeholder at mga sektor upang matiyak ang implementasyon ng programa.

Ayon kay DOH Assistant Sec. Dayanghirang, sa pagbibigay importansya sa nutrisyon makakasiguro na makakatanggap ng angkop na atensyon at alokasyon ang PPAN para sa komprehensibo at sustenableng pagpapaunlad sa estado ng nutrisyon sa bansa.

Hinikayat din ni A/Sec. Dayanghirang ang mga stakeholder na suportahan ang PPAN 2023-2028 sa national, regional, at maging sa local level sa pamamagitan ng iba’t ibang programa. | via Joshua Miguel Suarez | RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us