Nakatakdang ilunsad ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang National Innovation Agenda Strategy Document sa September 27 ng taong kasalukuyan.
Dito, ilalatag ang mga long-term goals para sa innovation gayundin ang roadmap at mga priority strategy sa pagpapaunlad ng innovation governance ng bansa.
Inaasahang dadalo sa nasabing okasyon ang mga matataas na opisyal ng bansa sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, mga miyembro ng Gabinete, mga mambabatas, at mga kinatawan ng iba’t ibang bansa.
Kasama rin sa mga inaasahang dadalo rito ang mga kinatawan mula sa pribadong sektor, Micro Small and Medium Enterprise o MSMEs, mga Lokal na Pamahalaan, at mga miyembro ng Academe.
June 30 ng taong kasalukuyan nang aprubahan ang National Innovation Agenda Strategy Document nang pulungin ni Pangulong Marcos ang National Innovation Council salig sa Republic Act 11293 o ang Philippine Innovation Act. | ulat ni Jaymark Dagala