Navotas City Agriculture Office at BPLO, nakatutok sa monitoring ng pagpapatupad ng EO 39 sa lungsod

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa na rin ng monitoring sa ilang pamilihan ang Navotas City Agriculture Office katuwang ang Business Permits and Licensing Office para tutukan ang pagpatutupad ng Executive Order No. 39 sa lungsod.

Layon nitong i-monitor ang pagsunod sa price cap ng mga tindahan ng bigas sa Navotas City.

Bago ito, nakipagpulong na rin si Mayor John Rey Tiangco kasama ang Local Price Coordinating Council sa mga rice retailers para mapag-usapan ang EO, gayundin ang kanilang opinyon at maiparating ito sa kaukulang ahensya ng pamahalaan.

Una nang hinikayat ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na tulungan ang mga maliliit na rice retailer upang makasunod sa EO 39. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: Navotas LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us