NBI, tumanggap ng donasyong kagamitan mula sa Germany

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tumanggap ang National Bureau of Investigation ng iba’t ibang uri ng equipment na donasyon mula sa German Federal Police Liaison Office sa pamamagitan ng Embassy of the Federal Republic of Germany.

Pinangunahan nina NBI Director Medardo G. de Lemos at German Ambassador to Manila Dr. Andreas Pfaffernoschke ang paglagda sa deed of donation na isinagawa sa tanggapan ng NBI sa Quezon City ngayong araw, September 25

Kabilang sa donasyon ng Germany ay isang Hyundai van, laptop computers, shirt vest, tactical lights, camera, camera lens, body cams, drone with remote control, electric scooters, binoculars, heavy-duty boltcutter, aluminum ladder, battering ram, mini GPS trackers, wireless wifi mini-cameras, wireless wifi mini camera bottle at wallet cameras.

Ayon kay Amb. Pfaffernoschke, ang mga naturang donasyon ay bahagi ng pinaigting na kooperasyon ng dalawang bansa.

Bukod dito, umaasa rin ang German Ambassador na makatulong ang mga kagamitan para mapalakas ang anti-human trafficking operations ng NBI.

Partikular dito ang investigative at technical capacity ng ahensya para puksain ang child online exploitation na isa rin sa problema ng bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us