Nasunog ang bodega ng NCCC Tagum City, Davao del Norte nitong Linggo ng gabi, Setyembre 24 kung saan tumagal ito ng walong oras.
Sa pahayag ng New City Commercial Corporation Facebook Page, nagsimula bandang alas 10 ng gabi ang sunog sa Building 1 ng mall sa Quirante, Tagum City na kalaunan nakapasok sa Department Store warehouse, Hardwaremaxx store, at company staff house nito.
Wala namang mga tauhan na nasugatan sa insidente dahil sarado na ang nasabing establisyemento nung panahong yun.
Ligtas din namang na-evacuate ang mga security guards ng mall sa pagsiklab ng sunog sa gusali.
Naapula ang sunog bandang alas 6 na ngayong umaga at idinklarang fire out ng Tagum City Fire Station.
Patuloy umanong nakikipag-ugnayan ang management ng mall sa awtoridad hinggil sa pag-determina ng sanhi at pinagmulan ng sunog. | via Armando Fenequito | RP1 Davao