NEA at DPWH, bumuo ng unified pole relocation database

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumikha na ng isang Unified Pole Relocation Database template ang National Electrification Administration (NEA) at ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nilalayon nitong maayos ang komprehensibong listahan ng utility poles at facilities ng mga electric cooperative (EC) na apektado ng road widening projects.

Bahagi ng kanilang kasunduan na ang mga ECs ang makikipag-ugnayan sa mga implementing office ng DPWH na sumasaklaw sa kanilang service areas.

Ito’y upang matiyak na ang lahat ng power distribution line sections na apektado ng public infrastructure projects mula 2017 pataas, ay kasama sa unified database.

Nauna nang nagpulong ang dalawang ahensiya upang magkasundo at pagsama samahin ang kanilang master list.

Ang DPWH ay gumamit ng Road Section/Station Limits habang ang NEA naman ay gumamit ng line segments.

Ang unified database ay magsisilbing batayan para sa pagtukoy ng NEA ng mga kinakailangan sa pagpopondo para sa pagkumpleto ng lahat ng electric pole o facility relocation projects na apektado ng road expansion at construction activities ng DPWH. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us