Negosasyon para sa pagpapatayo ng permanenteng tanggapan ng OVP, nagpapatuloy pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ongoing pa rin ang negosasyon para sa pagpapatayo ng permanenteng tanggapan at gusali ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pagdinig ng panukalang pondo ng OVP para sa susunod na taon, kabilang ang pagpapatayo ng permanenteng gusali sa tatong major projects ng OVP.

Ayon kay OVP Chief of Staff Zuleika lopez, sa ngayon ay may mga kinokonsidera na silang mga lugar para sa ipapatayong OVP building.

Pero sa ngayon ay nasa negotiation stage pa lang ang OVP para sa land acquisition ng ipapatayong gusali.

Binahagi ni Lopez na kabilang sa mga inisyal na lokasyong kinokonsidera nila ay ang coconut palace at may iba pa aniyang mga lokasyon.

Maliban sa OVP permanent office at residence ng bise presidente ng bansa, kasama rin sa major projects ng OVP ang pagpapatayo ng vice president museum at pagbuo ng OVP charter.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us