Nakataas sa heightened alert ang pagbabantay ng National Grid Corporation (NGCP) sa kanilang transmission lines kasunod ng mga aktibidad ng Bulkang Taal.
Sa isang pahayag, sinabi ng NGCP na mahigpit na mino-monitor ang volcanic activity para sa posibleng epekto nito sa kanilang transmission lines.
Kasabay nito, kasado na rin ang contingency measures sakaling kailanganin.
Sa kabila nito, tiniyak ng NGCP na nananatiling normal ang kanilang operasyon.
Magde-deploy naman ang NGCP ng mga line crew para inspeksyunin o linisin ang mga critical line equipment nito sa sandaling bumuti na ang sitwasyon.
Posible rin na magsagawa ng preemptive shutdown kung kinakailangan, ngunit sisikapin nila na kakaunti lang maapektuhan nito. | ulat ni Diane Lear