Simula ngayong araw, Setyembre 16, hindi muna pinapayagang makadaan ang mga truck sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Road sa Barangay Arkong Bato sa Valenzuela City.
Sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road upgrading project sa apektadong lugar.
Inaasahang tatagal ang pagsasaayos ng kalsada hanggang Setyembre 19.
May itinalaga namang alternate route para sa mga truck at maaari nilang daanan ang Navarette St. hanggang Panghulo Road at vice versa gayundin sa MacArthur Highway. | ulat ni Rey Ferrer