NPD, naghigpit na sa mga tindahan at motorshop na nagbebenta ng secondhand motor vehicle at parts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Gumagawa na ng proactive measures ang Northern Police District Anti Carnapping Unit (DACU) upang labanan ang iligal na kalakalan ng mga second-hand motor vehicle at motorcycle parts sa loob ng CAMANAVA Area. 

Alinsunod sa Presidential Decree 1612, ipinapatupad ng DACU ang “Visitorial Power” upang siyasatin at ayusin ang mga negosyong nakikibahagi sa kalakalang ito.

Lahat ng tindahan ng sasakyan at motorsiklo na nagbebenta at bumibili ng mga secondhand parts ay binibisita at iniinspeksyon na ng District Anti-Narcotics Unit.

Ayon sa NPD, layon nitong tiyaking hindi nakikibahagi sa trafficking ng stolen goods ang mga tindahan na paglabag sa provisions ng PD 1612 o Anti Fencing Law.

Kaugnay nito, ilang tindahan na sa Caloocan at Valenzuela Cities ang sumailalim na sa visitorial

power ng mga tauhan ng NPD Anti-Narcotics Unit simula noong Setyembre 22. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us