NTC at NBI, aminadong may mga nakakapagparehistro ng SIM gamit ang mga pekeng ID

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mag-iisang taon matapos mapirmahan ang SIM registration law (RA 11934) ay tila naglilipana pa rin ang mga text scam.

Ito ang inimbestigahan ng Senate Committee on Public services ngayong araw.

Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), higit 118 million na ang registered SIM sa bansa.

Gayunpaman, inamin ng NTC na may mga nagpaparehistro gamit ang mga pekeng ID.

Katunayan, mismong ang National Bureau of Investigation (NBI) cybercrime division ay sumubok at matagumpay na nakapagparehistro ng SIM gamit ang pekeng ID na may litrato ng unggoy.

Pinakita pa ng NBI cybercrime ang video kung saan nakapagparehistro sila gamit ang pekeng ID.

Giniit naman ni Senate Majority leader Joel Villanueva na common sense lang na hindi dapat pagbigyan ang ganitong mga insidente.

Minungkahi naman ni Committee Chairman Senadora Grace Poe na kailangang ayusin ang implementing rules and regulations (IRR) ng SIM registration law para matugunan ang pagpaparehistro gamit ang pekeng ID.

sinabi naman ng NTC na sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng post registration evaluation para matugunan ang mga isyung nakita sa SIM registration.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us