Kampante si NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto Torres Jr., na bago matapos ang taong 2024, magiging insurgency-free na ang buong bansa.
Ayon sa opisyal, sa ngayon, isa na lang ang natitirang active guerilla front ng New People’s Army, at 19 na mga weakened guerilla fronts sa buong bansa mula sa bilang na 89 active guerilla fronts sa pagpapatupad ng EO 70 ni former President Rodrigo Duterte noong 2018.
Ayon kay Torres, batay sa natatanggap nilang reports mula sa units o security forces sa ground, kampante silang mabubuwag na ang natitirang active guerilla front na nasa Northern Samar bago matapos ang taong 2024.
Sa ngayon, patuloy ang pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba’t ibang mga ahensya para sa pagsusulong ng kapayapaan sa mga lugar na apektado pa rin insurgency. Samantala, magpapatuloy pa rin ang SBDP o ang Support to Barangay Development Program sa 2024, kung saan inirekomenda ng NTF-ELCAC ang P10M na grant para sa 864 na mga barangay sa buong bansa. | ulat ni Maymay Benedicto | RP1 Davao