Pinasalamatan ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko, mga academic institution, pribadong sektor, local government unit, at stakeholder na nakilahok sa 3rd Quarter Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kahapon.
Ang Tagbilaran City, Bohol ang nag-host ng programa na idinaos kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 7.2 magnitude Bohol Earthquake na tumama sa lalawigan noong Oktubre 15, 2013.
Sa mensahe ni NDRRMC Chairperson at Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na binasa ni Assistant Secretary Hernando Caraig Jr., Civil Defense Deputy Administrator for Operations, nagpahayag ng paghanga ang kalihim sa matagumpay na recovery ng lalawigan pagkatapos ng lindol at Bagyong Odette.
Hinimok naman ni Asec. Caraig ang publiko na patuloy na maging aktibo sa mga aktibidad na may kinalaman sa paghahanda sa mga sakuna sa kani-kanilang mga komunidad.
Ang susunod na NSED ay isasagawa sa Nobyembre 9, 2023. | ulat ni Leo Sarne
📷: OCD