Dinisenyo ang mga aktibidad sa PH-US SAMASAMA 2023 bilateral exercise para mahasa ang kapabilidad ng Philippine Navy bilang offshore-combat Force para sa maritime Security.
Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto kaugnay ng pagsasagawa ng taunang pagsasanay ng Philippine Navy at US Navy.
Ayon kay Ileto, ang pagsasanay na tatagal mula Oktubre 2 hanggang 13 ay isasagawa sa area of Operations ng Naval Forces Southern Luzon.
Kabilang sa mga pagsasanayan ang anti-submarine warfare, anti-surface warfare, anti-air warfare, at electronic warfare.
Bukod dito, lalahok din ang Japan Maritime Self Defense Force (JMSDF), Royal Australian Navy (RAN), Royal Canadian Navy (RCN), French Navy (FN) at United Kingdom (UK) sa Subject Matter Expert Exchange (SMEE) at Humanitarian and Disaster Relief (HADR) table-top exercise, para mapahusay ang kanilang interoperability sa Philippine Navy.
Habang lalahok din ang Royal New Zealand Navy (RNZN) at Indonesian Navy (IN) bilang observer. | ulat ni Leo Sarne