Kuntento ang Office of the Ombudsman sa ibinigay na pondo ng Department of Budget and Management (DBM) sa kanila para sa susunod na taon, kahit pa mas mababa ito kaysa sa kanilang orihinal na proposal.
Kabuuang P5.05 billion ang panukalang pondo ng tanggapan sa 2024, kumpara sa orihinal na proposal ng Ombudsman na P6.7 billion.
Kasama sa budget ang P51.46 million na confidential fund, na kung babawasan ng Kongreso ayon kay Ombudsman Samuel Martires, ay bukas sila.
Ito’y matapos makwestyon ni Deputy Minority Leader France Castro kung bakit 40-45 percent lang ang nagagamit nila sa kanilang confidential fund.
Kung babawasan man aniya ng Kongreso ang kanilang confidential fund ay kakayanin nilang mapagkasya ito—at humirit ilipat na lamang sa kanilang maintenance and other operating expenses (MOOE) ang halagang ibabawas.
Pero para kay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez, imbes na bawasan ay itaas pa sa P100 million ang confidential fund ng Ombudsman, para magampanan nila ang kanilang mandato. | ulat ni Kathleen Forbes