Siniguro ni COMELEC Chair George Garcia na hindi na magaganap ang one pen voting o pag-shade ng iisang tao sa mga balota sa darating na Barangay at SK Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ito’y matapos matanong ni Lanao del Norte Rep. Mohammad Khalid Dimaporo sa opisyal kung anong mga hakbang ang ginagawa ng poll body para hindi na maulit ang nag-viral na insidente kung saan ang isang teacher na poll watcher at nakunan na sini-shade ang mga balota.
Ayon kay Garcia hindi na mauulit ang ganitong insidente.
Maghihigpit rin aniya sila sa pag-cluster ng voting precincts dahil sa nagagamit ito sa politika.
May ilan aniyang politiko na pinalilipat ito malapit sa kanilang bahay o kaya’y inilalagay sa may rido area para hindi makaboto ang mga kalaban.| ulat ni Kathleen Jean Forbes