One-stop-shop para sa mga kawani ng DepEd, inilunsad bilang bahagi ng pagdiriwang ng Civil Service Month

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglunsad ng one-stop-shop ang Department of Education o DepEd Central Office para sa mga kawani nito bilang bahagi ng selebrasyon ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary.

Ayon sa DepEd, layon nitong mailapit sa mga kawani ng ahensya ang mga pangunahing serbisyo sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan at mga stakeholder.

Kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na nakibahagi sa aktibidad ang Government Service Insurance System, Landbank of the Philippines, Land Transportation Office, Pag-IBIG, PhilHealth, BIR, at iba pa.

Nauna rito ay iba’t ibang ahensya rin ang nagbigay ng libreng serbisyo para sa mga empleyado ng gobyerno bilang pasasalamat sa kanilang sakrispisyo upang magampanan ang kanilang mga tungkulin gaya ng libreng sakay sa MRT-3, LRT-2, at PNR.

Ipinagdiriwang naman ang Civil Service Month tuwing buwan ng Setyembre. | ulat ni Diane Lear

📷: DepEd

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us