Aktibong nakikibahagi ang mga One Town One Product (OTOP) ng La Union sa 2023 Alliance for Financial Inclusion (AFI) – Global Policy Forum (GPF) na ginaganap sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.
Itinatampok ng mga OTOPreneurs ng La Union ang kanilang “pride-of-place products” sa OTOP Showcase ng aktibidad.
Kabilang dito ang Northway Arts and Crafts, R.P Lucina’s Loom Weaving, Bauang Crochet Association, Inc., Kultur Siak Enterprises, Lomboy Farms at DMMMSU – Sericulture Research and Development Institute/Silk Weavers Association.
Nagsimula ang 2023 AFI-GPF kahapon at nakatakdang magtapos sa Setyembre 15, 2023.
Ito ang pangunahing event sa mundo hinggil sa “financial inclusion,” pinakamahalaga at komprehensibong forum para sa regulatory institutions.
Nakikiisa dito ang 800 financial inclusion champions at advocates mula sa 76 na bansa.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagsisilbing host sa 2023 AFI – GPF.| ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo