Online selling ng mercury dental Amalgam, ikinaalarma ng grupong BAN Toxics

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nababahala ang toxic watchdog group na BAN Toxics sa umano’y patuloy na bentahan online ng mercury dental amalgam (in capsule) na ipinagbabawal sa bansa.

Nadiskubre ito ng grupo matapos magkasa ng market monitoring kung saan natukoy na may 60 sellers sa online shpping platforms ang nagbebenta nito.

Ayon sa BAN Toxics, ang dental amalgam, na tinatawag ring ‘silver fillings,’ ay kadalasang ginagamit para sa mga sirang ngipin.

Gayunman, lubhang mapanganib aniya ito dahil ayon na rin sa World Health Organization, ang mercury ay isa sa mga nangungunang chemicals na may adverse impacts sa kalusugan ng tao.

Dahil dito, nanawagan ngayon ang grupo sa mas mahigpit na pagpapatupad ng ban sa pagbebenta at paggamit ng mercury sa anumang dental restorative procedures.

Hinikayat din nito ang online shopping platforms na ihinto ang pagbebenta nito at sumunod sa regulasyon sa mercury dental amalgam products.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: BAN Toxics

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us