Operasyon ng Pasig River Ferry Service, suspendido

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ngayong araw.

Ayon sa MMDA, ito’y bunsod ng nararanasang masamang panahon dahil sa epekto na rin ng #BagyongHannaPH

Mayroong 13 istasyon ang Pasig River Ferry Service partikular na sa mga lugar ng Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Pasig.

Gayundin sa Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong at Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, Escolta, at Quinta naman sa Lungsod ng Maynila.

Una nang idineklara ng Malacañang na suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan gayundin sa mga tanggapan ng pamahalaan maliban sa mga emergency frontliner.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us