Ipinaabot ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Ron Salo ang pasasalamat sa Kuwaiti Government maging sa ating Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration para sa pagkamit ng hustisya para sa OFW na si Jullebee Ranara.
Ang 35 taong gulang na OFW ay pinaslang ng menor de edad na anak ng kaniyang amo, nito lang Enero ng 2023.
Ayon kay Salo pinatunayan ng Kuwaiti court ang kanilang pagkilala sa rule of law.
Mensahe rin aniya ito sa mga gagawa ng krimen laban sa Filipino migrant workers na pananagutin sila sa batas.
“This is a significant milestone for justice and accountability. I commend the Kuwaiti courts for their commitment in upholding the rule of law and ensuring that justice prevails. This verdict sends a clear message that crimes against our Filipino migrant workers will not go unpunished. I also express my gratitude to the Department of Foreign Affairs (DFA), the Department of Migrant Workers (DMW), the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), and other government agencies involved for ensuring that the killer be held accountable for this gruesome crime.” ani Salo.
Aminado naman ang Kabayan party-list solon na marami pang dapat gawin ang pamahalaan para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFW.
Ang nangyari aniya kay Ranara ay isa lamang sa mga mapait na katotohanan na hinaharap ng Filipino migrant workers para sa pagnanais na mapaganda ang buhay.
“We cannot forget that Jullebee Ranara lost her life tragically, as such we need to be steadfast in our efforts of creating a safer and more secure working conditions abroad. The Filipino government, alongside the international community, must continue to collaborate to ensure the safety and welfare of our overseas workers,” sabi pa ng mambabatas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes