OVP, dumipensa sa lumabas na COA Report hinggil sa mahigit 400 bodyguard

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idinepensa ng Office of the Vice President (OVP) ang lumabas na ulat ng Commission on Audit (COA) hinggil sa pagkakaroon ng may 433 security escort para sa Pangalawang Pangulo.

Ayon sa OVP, mismong COA na ang nagsabing walang “adverse findings” o walang nakikitang mali sa pagtatayo ng Vice Presidential Security Group o VPSG.

Binigyang-diin pa ng OVP na ang VPSG ay isa sa mga inisyatiba ni Vice President Sara Duterte lalo’t marami rin siyang hinahawakang posisyon.

Kabilang na rito ang pagiging Kalihim ng Edukasyon, Chair ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SAMEO), at Co-Vice Chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Magugunitang itinatag ang VPSG noong isang taon bago pa man maupo sa puwesto si VP Sara bilang isang hiwalay na yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Ito ang siyang naatasang tumututok sa seguridad ng Pangalawang Pangulo ng bansa gayundin ng pamilya nito. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us