OVP, ipinauubaya sa Kongreso ang pagdedesisyon kung bibigyan pa rin sila ng confidential fund

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling iginiit ng Office of the Vice President na ipinauubaya na nila sa Kongreso kung bibigyan pa rin ang OVP ng confidential fund o hindi na.

Sa pagsalang sa plenaryo ng panukalang budget ng OVP natanong ni Deputy Minority Leader France Castro kung bukas ang tanggapan sa naging desisyon ang liderato ng Kamara na ilipat ang mga confidential at intelligence fund ng mga ahensya na walang security o intelligence duty sa mga departamento na tumututok sa pagbabantay sa West Philippine Sea.

Tugon ni Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, sponsor ng OVP budget mula pa man noon ay ipinauubaya na ng OVP, sa mga mambabatas ang pagbibigay ng confidential fund.

Maaari lamang aniya sila mag-propose ngunit ang desisyon ay hawak pa rin ng Kongreso.

Tiniyak din ng OVP na makakayanan pa rin nilang ipatupad ang mga programa ng tanggapan kahit wala ang hinihinging confidential fund. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us