Nagpasalamat ang Office of the Vice President sa mga lider at miyembro ng House of Representatives.
Ito ay kasunod ng nangyari budget deliberation sa Kongreso ngayong araw, September 27, 2023.
Nasa P2.3 bilyon ang ipinapanukalang pondo ng OVP para sa susunod na taon.
Partikular na pinasalamat ng OVP si Davao de Oro Representative Maricar Zamora na lead budget sponsor ng OVP.
Matatandaang ipinagpaliban ang budget deliberation ng OVP at Department of Education kahapon dahil sa conflict of schedule.| ulat ni Diane Lear