Itinanggi ng Office of the Vice President (OVP) na ginamit nila ang nakuhang P125 million confidential fund noong 2022 sa loob lamang ng 11 isang araw.
Sa budget deliberation, sinabi ni Compostela Valley Representative Maria Carmen Zamora sponsor ng budget ng OVP, na inaccurate ang pahayag na ito.
Matatandaan na sa budget deliberation ng Commission on Audit (COA), sinabi ni Marikina Rep. Stella Quimbo na batay sa record ng COA, hindi 19 days ngunit 11 days nagastos ng OVP ang naturang confidential fund.
Paliwanag ni Zamora, kinonsidera ng COA ang pagsisimula sa utilization ng naturang pondo o actual payment noong December 20 hanggang 31 na kung bibilangin ay 11 araw lang.
Ngunit ang implementasyon aniya ng mga programang pinondohan ng pondo ay nagsimula noon pang December 13 o araw na nailabas ang SARO o 19 na araw.
Sabi pa ni Zamora, na Agosto pa lang ay nakalatag na ang naturang mga programa ngunit hinintay pa na mailabas ang SARO para maipatupad.
Nilinaw din ng OVP, na wala pa silang natatanggap na Audit Observation Memorandum (AOM) mula sa Commission on Audit patungkol sa paggamit nito ng confidential funds para sa taong 2022.
Ayon kay Zamora, makikita sa record ng tanggapan ng bise presidente na walang naipapaabot na AOM ang COA.
Ngunit oras na matanggap ay agad tatalima ang OVP sa paliwanag na hinihingi. | ulat ni Kathleen Forbes