P1.36-M shabu, nakumpiska sa Iloilo, 4 na tulak ng droga arestado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasabat ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 million sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Drug Enforcement Unit sa Brgy. Poblacion Southeast, Lemery, Iloilo.

Arestado sina Sheila Mae Yu, 34 na taong gulang; Jose Maria Yu, 26 na taong ulang; Bryan Yu, 29 na taong gulang; at Angel Alavaren, 21 taong gulang pawang mga residente ng Brgy. Poblacion Zone 1, Estancia, Iloilo.

Sa monitoring ng kapulisan, regional target si Sheila Mae at provincial target naman si Jose Maria.

Pinuri naman ni Police Regional Office 6 Director PBGen. Sidney Villaflor ang operating units sa matagumpay na operasyon.

Sa pagkakaaresto sa apat na tulak ng droga mahaharap sila kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Lemery Municipal Police Station ang mga suspek. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1  Iloilo

📸 IPPO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us