P136-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Paranaque City -PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa P136-milyon ang halaga ng shabu na nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency at ParanaqueCity Police sa Tambo, Parañaque City.

Sa ulat ng PDEA, isang buy-bust operation ang ikinasa ng mga awtoridad sa lugar at humigit kumulang sa 20-kilo ng shabu ang nakumpiska.

Nahuli din ang mga drug suspect sina Mark Joseph Cortez at Jacqueline Espinosa habang nakatakas ang isa pang Marion King John Cortez. 

Nasa pangangalaga na ng PDEA ang mga naarestong drug personality habang inihahanda ang kaso laban sa kanila dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us