P15,000 production subsidy para sa mga magsasaka at mangingisda, itinutulak

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain sa Kamara ang isang panukala para bigyan ng P15,000 “production subsidy” ang mga magsasaka at mangingisda sa ating bansa.

Sa ilalim ng House Bill 9053 ni Davao City Representative Paolo Duterte, 9.7 million na magsasaka at mangingisda na ngayon ang apektado ng mataas na presyo ng langis at farm input gaya ng abono; economic downturn; at mga kalamidad, ang bibigyan ng ayuda.

Ang Department of Agriculture (DA) katuwang ang Philippine Statistics Authority (PSA), ang bubuo at magsusumite ng pinal na lisatahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng naturang “one-time production subsidy.”

Kabuuang P145.5 billion naman ang ipinapanukalang pondo para sa programa.

Umaasa si Duterte, na sa pamamagitan ng panukala ay matulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa kanilang pagbangon mula sa mga hamon at suliranin, na aniya’y nauuwi minsa sa kanilang pagkalugi, pangungutang at lalong paghihirap. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us