Inihayag ng Masagana Rice Industry Development Program ng pamahalaaan na kayang ibaba sa P20 ang presyo ng bawat kilo ng bigas sa merkado.
Sa isang press conference kaugnay ng ika-16 na National Rice Technology Forum nitong Martes sa Davao del Sur, pinaliwanag ni Focal Person on Productivity Enhancement Dr. Frisco Malabanan na maabot ito kapag i-subsidize ng gobyerno ang nasabing presyo.
Giit ni Malabanan na ang P20 na presyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hindi para sa lahat kundi para sa mga walang kakayahan na makabili ng bigas sa regular na presyo sa merkado.
Pero, ayon sa opisyal na mas pinagtutuonan ngayon ng pansin ng pamahalaan ang pagpapagamit ng teknolohiya gaya ng pagtatanim ng hybrid rice para mas maparami produksyon nito.
Dagdag ni Malabanan na sa ganitong paraan, mas mapaparami ang supply na magreresulta sa pagbaba ng presyo.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao