Mahigit 1,600 piraso ng pekeng Louis Vuitton products ang nasamsam ng National Bureau of Investigation–Intellectual Property Rights Division (NBI-IPR), sa 168 Shopping Mall sa Maynila.
Ginawa ito ng NBI sa bisa ng limang search warrants laban sa mga may-ari ng limang stockroom sa loob ng nabanggit na mall.
Aabot sa P121-million ang halaga ng nasamsam na fake Louis Vuitton products.
Sa hiwalay na operasyon ng NBI- IPR, sinalakay din ang kumpanyang Sung Hyung Precision Co., Inc. na matatagpuan sa Rosario, Cavite.
Nasamsam naman dito ang limang pekeng Siemens Desktop Computers na nagkakahalaga ng P6 million.
Dahil dito, mahaharap sa mga kasong paglabag sa probisyong nakapaloob sa Republic Act 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines, ang nabanggit na mga negosyante ng fake branded products.
Bukod dito, aabot naman sa P95 milyong halaga ng pekeng alak na may trademark na “Hennessy” ang nasamsam din ng NBI-NCR sa Pasay, Parañaque, Manila, Quezon City at Aklan Province. | ulat ni Rey Ferrer