Ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development Region-9 (DSWD-9) ang P4.1 milyong halaga ng livelihood assistance sa tatlong mga bayan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte.
Ayon sa DSWD Region 9, umabot sa 274 na mga benepisyaryo ang nakatanggap ng tig-15,000 pisong livelihood assistance.
Sa 274 na mga benepisyaryo, 172 rito ay nagmula sa bayan ng Godod, 55 mula sa munisipyo ng Gutalac, at 47 naman mula sa bayan ng Salug ng nasabing lalawigan.
Ang mga benepisyaryo ng livelihood assistance ay mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program-Modified Conditional Cash Transfer (4Ps MCCT).
Ang pamimigay ng livelihood assistance ay ginawa sa ilalim ng isa sa mga natatanging programa ng Kagawaran na “Enhanced Support Service Intervention-Cash Assistance Grant. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga
📸 DSWD Regional Office-9