Umaabot sa P49.9 milyon ang halaga ng family food packs at non-food items ang na-release ng Department of Social Welfare and Development VI para sa naapektuhan ng bagyong Goring nang dumaan ito sa Kanlurang Visayas.
Ang Negros Occidental ang may pinakamataas na natanggap na tulong na umabot sa P21.8 milyon, sunod ang Iloilo na sa halagang P15 milyon, Antique sa halagang P5.5 milyon, Iloilo City P4 milyon, Bacolod City na may P3 milyon at Guimaras na may halagang P304,705.
Maliban sa DSWD, nagbigay din ng kanilang tulong ang mga local government unit sa kanilang lokalidad na umaabot sa P10.4 milyon, non-government organizations P68,236, at mga pribadong opisna, P91,960.
Sa kabuuan, umaabot sa P60.5 milyon ang halaga na natanggap na tulong ng naapektuhan ng mga pamilya sa rehiyon.
May 1,172 ang mga nasira na bahay kung saan 205 ang totally damaged at 967 ang partally damaged.
Ayon kay DSWD Information Officer May Castillo, ang kanilang ahensya ang nagme-maintain ng regional stockpile ng family food packs upang masiguro na may ipamahagi sila sa maaapektuhan na populasyon sa oras na may kalamidad. | ulat ni Bing Pabiona | RP1 Iloilo
📷:DSWD VI