Pag-amyenda sa BCDA Law, magdadagdag ng ₱400 bilyon sa panukalang AFP Pension Fund

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makakatulong ang panukalang amyenda sa Republic Act 7227 o Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Law, sa pagsulong ng AFP Modernization Program at pinaplanong AFP Pension Fund.

Ito ang inihayag ni BCDA Chairman Delfin Lorenzana sa “27th AFP Forum on BCDA’s role in the AFP Modernization Program”, kamakailan, kasama sina BCDA Chief Executive Officer (PCEO) Engr. Joshua M. Bingcang at AFP Deputy Chief of Staff LtGen. Charlton Sean M. Gaerlan.

Ang panukalang amyenda sa BCDA Law na bahagi ng House Bill No. 8505 ay magpapalawig ng nalalabing buhay ng BCDA mula sa 19 na taon sa 50 taon; at tinataas din nito ang authorized capital ng BCDA sa ₱400 bilyon mula sa ₱100 bilyon.

Pahihintulutan din ng amyenda ang kumbersyon sa “freehold status” mula sa “leasehold” ng 5 porsyento ng lupain sa mga “economic zone” ng BCDA na makakadagdag ng ₱400 bilyon sa panukalang AFP Pension Fund.

Mula Mayo 1993 hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan, 43 percent o ₱59.71 bilyong kita ng BCDA ang napunta sa AFP modernization program. | ulat ni Leo Sarne

📷: BCDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us