Asahan ang makulimlim at maulang panahon sa Metro Manila at ilang karatig nitong lalawigan.
Sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA inilabas kaninang 5:07 AM na maaaring maranasan ang katamtaman hanggang sa may kalakasang ulan na may pagkidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bataan, Batangas, at Bulacan.
Ayon sa PAGASA, iiral ang thunderstorm sa loob dalawang oras.
Samantala, nakararanas naman ng mga pag-ulan ngayong umaga sa Cavite (Ternate, Naic) na maaaring tumagal ng dalawang oras.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa
mga apektadong lugar sa banta ng flash floods at landslides bunsod ng thunderstorm.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa epekto ng thunderstorm. | ulat ni Merry Ann Bastasa