Pagbababa ng hatol sa pumaslang kay Jullebee Ranara, ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Embassy sa Kuwait, ang Department of Migrant Workers (DMW), at ang Kuwaiti Authorities sa pagsisigurong maibibigay ang hustisya sa pamilya ni Jullebee Ranara.

Pahayag ito ng Pangulo, makaraang masintensyahan ng15 taong pagkakabilanggo ang akusado na si Turki Ayed Al-Azmi, at karagdagang isang taon para sa pagmamaneho ng walang lisensya.

Sabi ng Pangulo, gumagaan ang kaniyang pakiramdam na isiping nakangiti si Jullebee at si dating DMW Secretary Toots Ople sa hustiyang ito.

Ang pamana aniyang iniwan ng mga ito ay magsisilbing paalala sa mandato ng pamahalaan na protektahan at suportahan ang mga Pilipino, nasaan man silang bahagi ng mundo.

“I take comfort in thinking that Toots and Jullebee are looking down from heaven with smiles. Their legacy serves as a reminder of our duty to protect and support our fellow countrymen, regardless of where in the world they may be.” — Pangulong Marcos Jr.

Umaasa rin ang Pangulo, na ang appeal process sa kasong ito ay maisagawa nang patas, at ang hustiya ay maipatupad nang naayon.

Si Ranara ang overseas Filipino worker (OFW) na ginahasa, pinaslang, at sinunog ng anak ng kaniyang employer, ika-21 ng Enero. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us