Pagbababa ng National ID sa mga Pilipino, pinamamadali na ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naiinip na rin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa tagal ng pagbababa ng mga physical national ID sa mga Pilipino.

“A lot of delays have already happened and there are many of our countrymen who have been complaining that up to this date, they have not yet received their national ID. The President has expressed his impatience because a lot of things needed to be done and it’s all dependent on the deployment of a national ID.” —Secretary Uy.

Dahil dito, mamadaliin na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang deployment ng digital ID sa mobile platform.

“Marami kasi tayong kailangang gamitin iyong national ID– isa doon iyong sa social amelioration package natin for DSWD, mga 4Ps, itong fuel subsidy na in-announce na ni Secretary Jimmy Bautista. Lahat iyon, kailangan ma-validate natin iyong mga recipients – tunay ba sila, hindi double recipient/double registrant or baka patay na pero nagki-claim pa rin.” —Secretary Uy.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DICT Secretary John Ivan Uy na ipapailalim nila ang digital ID sa kasalukuyang e-GOv app.

Kailangan aniyang i-downolad ang app na ito, at mula dito, kukuhanin ang credentials ng mga Pilipino kabilang ang selfie at personal information. Saka aniya ito itutugma sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa kasalukuyan, nasa 80 million na identity na ang na-capture ng PSA at nasa kanilang data based.

Sabi ng kalihim, target nilang ganap na mai-deploy ang mga digital ID na ito sa Disyembre.

“Ang objective po namin, sana may magandang Christmas gift ang ating mga kababayan na by end of the year eh ma-deploy natin significantly iyong digital ID. So sa loob po ng ilang buwan, we will do our best to be able to deploy the digital ID system.” —Secretary Uy. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us