Aminado si Defense Sec. Gibo Teodoro na may epekto sa depensa ng bansa ang kakulangan sa pondo ng AFP Modernization program.
Sa budget briefing, nausisa ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing kung ano ang ng P66 billion unfunded projects ng ahensya.
Tugon ng kalihim, mag-iiwan ito ng gap sa kakayanan ng bansa na mapigilan ang panghihimasok sa West Philippine Sea.
“The immediate effect is that it would leave gaps in our command and control, gaps in our ability to deter and detect incursions into the West Philippine Sea and the development of our overall defense posture will, of course, be encumbered again.” aniya.
Ngunit ang kakulangan sa pondo ay pagkakataon din aniya para repasuhin ng ahensya ang kanilang Modernization Program.
Dahil nga sa hindi napondohan ang ilang proyekto at nagkaroon ng delay ay dapat muna alamin kung angkop pa ba ito sa defense posture ng Pilipinas.
“It gives us a greenfield opportunity to re-vision and re-horizon our modernization. So I think we’d rather have, if we can fund it, contingent on new modernization requirements, then I think it would make better value for every peso spent. Yung Horizon 2 po noon naging Horizon 3 ngayon actually kaya nga po kailangang i-review po natin ng mabuti kasi baka hindi na ho relevant sa ngayon kaya mabuti na rin po na hindi nagastusan,” sagot ni Teodoro.
P115.1 billion ang orihinal na proposal ng DND para sa AFP Modernization program sa susunod na taon subalit P50 billion lang ang naipasok sa National Expenditure Program. | ulat ni Kathleen Jean Forbes