Pagbibigay umano ng ₱5,000 cash at bigas ng Presidential Action Center, pinabulaaanan ng Malacañang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Malacañang sa publiko na huwag maniwala sa maling impormasyon hinggil sa umanoy bigayan ng ayuda mula sa Presidential Action Center.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi nitong may nakarating sa kanilang kabatiran na namimigay umano ng ayudang aabot sa ₱5,000 na cash at kilo ng bigas ang Presidential Action Center.

Mariin na aniyang pinabulaanan ito mismo ng Presidential Action Center na nagsabing walang katotohanan ang nasabing impormasyon.

Wala aniyang anomang partisipasyon ang Presidential Action Center sa anomang aktibidad na may kinalaman sa distribusyon.

Panawagan ng nasabing tanggapan sa Malacañang, ipagbigay alam ang anomang kaduda-dudang impormasyon sa kanila sa pamamagitan ng pag e-email sa [email protected].

Dagdag ng PCO, para makatiyak sa lumalabas na mga impormasyon ay sundan lang ang opisyal na FB page ng Presidential Action Center kasunod na rin ng lumabas na misinformation. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us