PAGCOR, agad rumesponde sa pangangailangan ng mga biktima ng baha sa Negros Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mabilis ang ginawang pagtulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pangangailangan ng mga lungsod na apektado ng pagbasa sa Negros Occidental.

Matatandaan na ang mga lungsod ng Bacolod at bago ay pawang inilagay sa ilalim ng State of Calamity ng kanilang mga konseho dahil na rin sa dulot na pagbaha ng bagyong Goring.

Ayon sa PAGCOR, para makatulong sa mga residente ng nabanggit na lungsod ay agad itong nagpadala ng 3,000 relief packs sa mga biktima ng baha sa tulong na rin ng Office of Civil Defense.

Nilalaman ng mga naturang relief bags ay ang hygiene kits, blankets, mosquito nets, bath towels, at tsinelas.

Personal namang tinanggap nina Bacolod City Mayor Albee Benitez at Bago City Mayor Nicholas Yulo ang nasabing mga relief goods mula kay Casino Filipino Bacolod branch Manager Nestor Legaspina at PAGCOR Community Relations and Services Department Senior Community Development Officer Ferdinand Marcos Amador. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us