Nagpahayag ng pagsuporta ang Department Finance sa pagdalo ni Pangulong Ferdinand r. Marcos Jr. at kanyang delegasyon sa 43rd ASEAN Summit and Related Summit sa Indonesia.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang biyahe ng Pangulo sa Indonesia ay upang isulong ang economic interest ng bansa.
Anya, pagkakataon din ito na palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas sa miyembrong bansa ng ASEAN at linangin ang mga bagong partnership sa ginaganap ngayon na summit.
Maalalang nito lamang Agosto, ibinahagi ng kalihim ang “competitive investment climate” ng PIlipinas sa Indonesian business community sa ginanap na Philippine Investment and Financial Briefing sa Jakarta.
Kabilang sa inaasahan ay ang pagdalo ng Pangulong Marcos Jr sa ASEAN Business Advisory Council at pagharap nito sa ilang negosyante na nais mamuhunan at maglagak ng puhunan sa bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes