Sa pamamagitan ng viva voce voting ay pinagtibay ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6933 para ideklara ang Pampanga bilang “Christmas Capital” ng Pilipinas.
Oras na maging ganap na batas, isusulong din nito ang Pampanga bilang isang “Cultural Tourism Destination.”
Pagbibigay diin ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga Representative Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na batid nang marami ang pagiging tanyag ng Pampanga sa paggawa ng iba’t ibang uri ng parol.
At bilang pagkilala aniya sa “economic, cultural, at significance” ng industriya ng parol sa probinsya, ay marapat lang na tawaging Christmas Capital ang lalawigan.
Napapanahon din aniya ito lalo at ang ‘ber months’ ay hudyat na ng pagsisimula ng panahon ng Pasko kung saan ang mga parol ang isa sa mga bidang palamuti ng selebrasyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes
📸: PNA