Ipinagpaliban ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagdinig sa petisyon na taas pasahe ng jeepney transport groups.
Paliwanag ng LTFRB, dumalo sa pagdinig ngayong araw sa Senado ang mga opisyal ng ahensiya at sa plenary session naman bukas.
Muling itinakda ang pagdinig sa Setyembre 28, araw ng Huwebes.
Humirit ng taas pasahe ang jeepney transport groups dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer