Pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month, pinangunahan ni Sec. Carlito Galvez Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconcialtion and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month 2023 sa isang programa sa Quezon Memorial Circle kahapon.

Bilang bahagi ng selebrasyon, pinatunog ni Galvez ang “peace bell” kasama si Quezon City Mayor Joy Belmonte at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Senior Minister Abunawas Maslamama na kumatawan kay Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Galvez na ang pagpapatunog ng “peace bell” ay simbolo ng kapayapaan at pagkakaisa na nagsisilbing panawagan sa bawat Pilipino na mag-ambag sa “peace building” anuman ang kanilang relihiyon, paniniwala o tribo.

Ilang mga aktibidad ang isasagawa ng OPAPRU bilang bahagi ng isang buwang selebrasyon ng “Peace Month” kabilang ang “KaPEACEtahan Fair” sa Trinoma Activity Center simula ngayong araw hanggang Biyernes.

Ang “culminating activity” ay ang Gawad Kapayapaan awarding ceremony para parangalan ang mga “peace champions for 2023” sa Setyembre 29 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. | ulat ni Leo Sarne

📷: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us