Sinisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang paglinang sa paggamit ng artificial intelligence o AI.
Isa ang AI sa mga natalakay sa pagsalang ng panukalang ₱25.9-billion na budget ng ahensya sa susunod na taon.
Sa interpelasyon ni Baguio Representative Mark Go, nausisa nito ang DOST kung ano na ang kanilang plano sa AI.
Tugon ni DOST Secretary Renato Solidum, sinisimulan nila ang capacity building ng mga researchers sa analytics at AI.
Ayon pa kay Advance Science and Technology Institute Director Franz de Leon na isa sa kanilang pinaggagamitan ngayon ng AI ay ang pagproseso ng satellite images para sa flood hazard maps, robotic, at unmanned vehicle na magagamit sa pagtatanim o agri-sector gayundin ang pagbuo ng sariling bersyon ng bansa ng ChatGPT.
Ang chatGPT ay isang language processing tool na ginagamitan ng AI para makagawa ng human-line na pangungusap.
Oras na ma-develop ang Pinoy version ng ChatGPT ay may kakayanan na magproseso ng local language, Ingles, at Tagalog. | ulat ni Kathleen Jean Forbes