Paggawa ng license plates ng sasakyan, pinabibilis pa ng LTO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabibilis pa ng Land Transportation Office (LTO) ang paggawa ng license plates para matugunan ang backlog sa motor vehicles at motorcycles.

Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, naka-order na sila ng 15.9 million metal plates at may isang milyon na ang nai-deliver sa ahensiya para sa embossing.

Sa budget hearing ng Department of Transportation (DOTr) sa Senado, sinabi ni Mendoza na aabutin pa ng mahigit dalawang taon bago matapos ang 13 million backlog sa license plates.

Karamihan dito ay para sa motorcycles, at sa replacement ng plates mula sa lumang green plates patungo sa white plates.

Mayroon nang mga makina ang LTO para sa embossing ng license plates, at pasisimulan ang full production ngayong Oktubre. May kakayahan ito na makagawa ng 42,000 license plates kada araw.

Tiniyak din ni Mendoza na maipamahagi rin ang lahat ng unclaimed license plates bago matapos ang taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us