Paghahain ng diplomatic protest at pagpapalakas ng alyansa sa ibang mga bansa, minumungkahi ng mga senador laban sa 10-dash line map ng China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinabi ni Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Senadora Imee Marcos na hanggang diplomatic protest pa rin ang magagawa ng Pilipinas laban sa inilabas na 10-dash line map ng China na sumasakpp sa ilang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Marcos, mas mainam na sa paraang diplomatiko pa rin idaan ang pagtutol ng ating bansa sa bagong aksyon na ito ng China kaysa sa giyera.

Giniit ng senadora na hindi katanggap tanggap ang 10-dash line map ng China at kakaiba itong ginawa nilang  mapa.

Tinawag namang delusional ni Senador JV Ejercito ang China sa panibagong hakbang nilang ito.

Umaasa ai Ejercito na magsasama-sama ang lahat ng mga bansang pareho natin ng pag-iisip tungkol sa isyung ito para malabanan ang aniyang intimidation at agressive move ng China.

Pagkakataon aniya ito para palakasin ang pakikipag alyansa ng Pilipinas sa ibang mga bansa gaya ng US, Japan, South Korea, Indonesia, Malaysia, Vietnam at India. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us