Paghahatid ng tulong sa mamamayan, kailangang makasunod sa takbo ng panahon – DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinisikap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maihatid ang tulong sa mga mamamayan sa mas madaling paraan.

Ito ang binigyang-diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kanyang pagdalo sa Opening Session and High-Level Forum, kasabay ng Asia-Pacific Social Protection Week na isinagawa sa Asian Development Bank (ADB) Headquarters sa Ortigas, Mandaluyong City.

Pagbahagi ng kalihim, noong tumama ang COVID-19 pandemic kinakailangang manatili sa bahay ng mga tao upang makaiwas sa virus, subalit kinailangan din nilang lumabas ng bahay para makakuha ng ayuda.

Ito aniya ang nagtulak sa pamahalaan na gamitin ang digital platform para sa serbisyo publiko upang maibsan ang nararanasang hirap ng mga tao.

Samantala, pinaghahandaan na rin ani Gatchalian ang pagpapatupad ng food stamp program sa loob ng kalahating taon o anim na buwan.

Sa ilalim kasi ng nasabing programa, P3,000 halaga ng food credit ang ipamamahagi sa mga benepisyaro kada buwan.

Magugunitang Hulyo ng taong kasalukuyan nang ilunsad ang pilot run ng Food Stam Program, at target itong maipatupad ng buo sa unang bahagi ng susunod na taon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us