Pagiging accessible ng hustisya ipinunto ni SAJ Leonen para sa law practitioners sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen sa isang mensahe sa mga abogado sa bansa na lampasan pa ang mga ginagawa ng mga ito pagdating sa traditional legal aid.

Diin ni Justice Leonen, ang access sa hustiya ay nangangahulugang upang mapansin, madinig, at matrato ng may respeto, lalo na para sa mga mahihirap.

Ipinunto din ni Justice Leonen ang pangangailangan na labanan ang katiwalian gayundin ang disempowering stereotypes na nagiging sanhi ng kawalan ng katarungan.

Iniharap din nito ang nine-point challenge sa legal profession, kasama ang pag-reevaluate sa legal aid hours, pagtutok laban sa katiwalian, at reporma sa curriculum sa mga paaralang pang-abogasya.

Hinikayat din nito ang sensitivity sa mga kaso ng pampublikong interest at pagsusuri sa mga outdated legal doctrines.

Habang kinilala rin ni Leonen ang Integrated Bar of the Philippines bilang may natatanging kakayahan para i-evaluate ang pagkabisa ng mga batas, institusyon, at justice administration sa lipunang may kinahaharap na mga hamon tulad ng climate change, epekto ng social media, at artificial inteligence.

Ibinahagi ni Associate Justice Leonen ang mensaheng ito sa Access to Justice and Support for the Rule of Law (ACCESS) Program Close Out Event ng American Bar Association Rule of Law Initiative kung saan umabot sa mahigit 350,000 ang mga benepisyaryong nakinabang sa libreng serbisyong legal kabilang na sa panahon ng COVID-19 pandemic. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us