Pagiging maayos ng sektor ng agrikultura, hiling ni Pangulong Marcos Jr. sa kaniyang kaarawan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais lamang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging maayos ang sektor ng agrikultura, para sa kaniyang ika- 66 na taong kaarawan, bukas (September 13, 2023).

Sa isang ambush interview sa Department of Agrarian Reform (DAR), sinabi ng Pangulo na hangad niyang maging malinaw na kung kailan ba ang panahon ng tag-ulan at tag-araw, ang wet at dry seasons.

Sa ganitong paraan, magiging maayos rin ang paglalatag ng mga programa ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura.

At upang mas matututukan o maging akma ang tulong na maibibigay ng gobyerno sa mga magsasaka.

“Maging maayos na ang agrikultura. At malaman na natin kung ano ba talaga ang weather, wet season ba o dry season para naman matulungan natin yung mga farmer natin. Yun lamang naman ang aking panalangin pa rin hanggang ngayon.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us